Bus tumagilid sa Edsa, 5 sugatan

SUGATAN ang lima katao makaraang tumagilid ang Nova bus sa Boni Avenue sa EDSA, Miyerkules ng umaga.

Base sa pahayag ng ilang pasahero, matulin ang pagpapatakbo ng naturang bus nang biglang iniwasan nito ang isang taxi dahilan para mawalan ng kontrol ang driver na naging sanhi ng pagtagilid nito.

Agad na rumespunde ang awtoridad at tinulungang makalabas ang mga pasahero.

Dinala rin sa ospital ang driver ng bus na hindi pa pinangalanan habang hawak naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang lisensya nito.

Bunsod ng naturang aksidente, matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko ang naranasan ng mga commuter.

Bandang alas-7:30 ng umaga nang maialis sa naturang lugar ang bus.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply