Bus vs bus, 16 sugatan sa QC

LABING-ANIM katao ang nasaktan nang suwagin ng isang pampasaherong bus ang isa pang bus sa Quezon City nitong nakaraang Biyernes ng gabi (Enero 18).

Isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC) sanhi ng tinamong kapansanan sa iba’t ibang parte ng katawan ang mga hindi nakuhanang pangalan na mga pasahero.

Kakasuhan naman ng reckless imprudence resulting in damage to property at multiple physical injuries ang tsuper ng Starbus (TXX-740) na si Michael Regalario.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 11:40 ng gabi sa northbound lane ng Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) sa tapat ng Farmer’s Market sa Cubao.

Bago ito, sinabi ni Dominador Usita, driver ng RBM bus na nagsasakay siya ng pasahero sa lugar nang biglang banggain ang kanyang sasakyan ng bus na minamaneho ni Regalario.

Sa lakas ng pagkakasuwag, halos lahat ng pasahero ni Usita at ilan din sa mga pasahero ni Regalario ang nasaktan.

Depensa naman ni Regalario na nawalan siya ng control sa manibela nang pumalya ang kanyang preno kaya niya tinumbok ang hulihang parte ng bus na minamaneho ni Usita.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply