BUWIS NA PANGWALDAS AT BALAT NI MAR SA REGION 8

burdado- jun briones

HILAHOD na ang taumbayan dahil sa iba’t ibang uri ng buwis na binabayaran, pero hindi pa kuntento ang ating gobyerno lalo na ang mga senador at kongresista.

Sa ngayon ay nararamdaman na ang epekto ng tinatawag na “sin-tax.”

Ito, parekoy, ang tungkol sa napakalaking buwis na idinagdag sa alak at yosi.

Ang katwiran nitong mga mambabatas natin ay upang makalikom umano ng malaking pondo ang gobyerno para sa iba’t ibang proyekto para sa mga mahihirap nating kababayan.

Ang galing ng kanilang palusot ‘di ba?

Ang kaso eh, iba pala ang tunay na motibo ng mga hinayupak!

Sa totoo lang, kaya pala napakataas ng idinagdag na buwis ay para magkaroon ng napakalaking pondo ang Senado at Kamara.

Na kanilang paghahati-hatian, kukurakutin at wawaldasin! Pwe talaga!!!

Kung makaasta ang mga buwayang ito akala mo tunay na mga kagalang-galang, na sa tuwing magsasalita ay kesyo ang kapakanan ng taumbayan ang kanilang iniisip!

Hayun, parekoy, isiniwalat na nina Sens. Santiago at Lacson ang nakaririmarim na ginagawa nitong mga mambabatas!

Na pati pangsahod sa maid at hardinero ay sa kaban pa ng bayan kinukuha!

Maliban pa sa mga pang-grocery at pang-casino!

Tangna talagaaaaaaa!

-o0o-

NAG-TEXT sa akin si Region 8 DA, Information Officer Francis Rosaroso na huwag daw siyang pagsabihan ng bwisit!

Dahil wala raw talaga siyang alam sa ini-insinuate ko na pambabraso ng grupo nina Mr. Secretario na nagpapakilalang mga alagad ng “Balay group” ni Mar Roxas.

Ano kamo, Mr. Rosaroso, ini-“insinuate” ko?

Eh, ikaw na lang yata riyan sa opisina ninyo ang hindi nakakaalam sa ginagawa ng grupo nina Secretario!

Naturingan ka pa mandin na Information Officer! Pwe!

Tanungin mo na lang sina RED Antonio Gerundio at BAC Chairperson Jenny Lyn Almeria kung sino si Mr. Secretario ng Balay group!

Malaki, parekoy, ang kaibahan sa walang alam at sa nagmamaang-maangan.

Gayundin ang tunay na tanga kesa nagtatanga-tangahan!

Siyanga pala, DA Sec. Proceso Alcala, sir, wala ka ba talagang alam sa nangyayari sa tanggapan mo sa Region 8?

Aba, eh, alamin mo! Now na!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply