CAFGU member, todas sa engkuwentro sa Lake Sebu

crime6

NAPATAY ang isang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga miyembro ng 27th infantry Battalion Philippine Army at grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement sa Barangay Neb, Lake Sebu, lalawigan ng South Cotabato.

Kinilala ni Army Captain William Rodriguez, tagapagsalita ng 100 2nd Brigade, ang napatay na CAFGU na si Rene Amartirnal, residente rin sa nasabing barangay makaraang maghasik ng gulo ang grupo ni Binago at alyas Mod na nag-ugat sa nasabing engkwentro.

Napag-alaman na nagkaroon ng engkuwentro sa dalawang grupo sa Sitio Kumilat habang nagpapatrolya ang grupo ni 2Lt Angelo Peralta ng biglang tambangan ng mahigit 40 mga miyembro ng BIFM.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang operasyon ng militar subalit aminado silang limitado lang ang kanilang operasyon dahil patuloy pa rin nilang sinusunod ang Suspension of Militar Operation at wala pang report kung may sugatan din sa panig ng BIFM.

Nangako naman ng tulong pinansiyal ang militar sa pamilya ng CAFGU na namatay sa engkwentro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply