CAMARA VS RP ENERGY POWER PLANT

ito-ang-totoo-colored

COLLATERAL damage ang tawag sa mga apektado o biktima ng pag-target sa iba, tulad ng sa pelikula ni Arnold Schwarzenegger noong 2002.

Ito ang Totoo: lumalabas na collateral damage ang mga negosyante sa Subic Bay Freeport sa obsesyon ni Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA ) Director Philip Camara na pigilan ang RP Energy sa pagtatayo ng 600 MW Coal Power Plant nito sa Subic.

Collateral damage ang mga negosyante dahil ang dating simpleng pagrehistro at pag-operate ng negosyo sa Subic Bay Freeport ay ginawang komplikado sa patakarang isinulong ni Camara na ang target ay ang RP Energy.

Dati, “Permit to Operate” (PTO) para sa mga hindi tax-exempt at “Certificate of Registration and Tax Exemption” (CRTE) naman para sa mga may exemption lang ang mga kategorya ng nagnenegosyo sa Subic Freeport.

Ngayon, may “Certificate of Registration” (CR), iba rin ang Certificate of Tax Exemption” (CTE) at iba pa ang “Business Permit to Operate” (BPTO).

Nawala tuloy ang automatic renewal ng CRTE kaya taon-taon, lalakarin na naman ang tatlong hiwa-hiwalay na permits para magka-exemption.

Ito Ang Totoo: “Red Tape” ang resulta at ang mga locator/investor sa Freeport ang biktima, hindi po ba? Collateral damage, ‘ika nga.

Bumuo na rin si Camara ng “Aesthetics Committee” na sasala at a-approve sa lahat ng itatayong istruktura para raw tiyaking maganda ito sa paningin.

Target nito sa hinaharap ay ang itatayong “Smokestack” o malalaking chimney ng RP Energy Power Plant na napakadaling sabihing makasisira ng view kahit nasa kabilang ibayo naman ng Subic Bay.

Ang problema, lahat ng negosyo sa Subic Freeport ay pahihirapan na rin ng naturang “Aesthetics Committee” dahil lang sa obsesyon ni Camara laban sa RP Energy.

Astig pala itong si Camara kasi kahit alam niyang gusto ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagtatayo ng power plant dahil sa napipintong power shortage sa bansa, tahasan pa rin niyang kinokontra.

Ang problema, kahina-hinala ang dahilan at ang negosyante ng Subic Freeport ang kanyang pinarurusahan. Ito ang Totoo!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply