Canadian national namaril, 2 patay

dead (2)

NAPATAY ang dalawa at dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan makaraang mamaril ang isang Canadian national sa loob ng Marcelo Fernan Hall of Justice sa Cebu City ngayong umaga.

Nabatid sa ulat, dumating ang dayuhang si John Pope sa Marcelo Fernan Hall of Justice (Palace of Justice) upang dumalo sa hearing ng isa sa mga kasong inihain laban sa kanya.

Bago pa magsimula ang pagdinig, bigla na lamang umanong pinagbabaril ni Pope ang naghain ng demanda sa kanya habang nasa court room ng MTCC branch 6 ang biktima na si Dr. Rene Rafols at ang abogado niyang si Atty. Jovian Achaf .

Agad na namatay si Dr. Rafols, isang pediatrician na naghain ng kasong malicious mischief laban kay Pope at si Atty. Achaf.

Makaraan ang insidente nagtuloy naman ang dayuhan sa MTCC branch 1 at bago pa makapasok sa hukuman ay pinagbabaril naman si Cebu City Assistant Prosecutor Matet Casiño.

Hinihinalang nagbaril din sa sarili si Pope matapos ang pamamaril sa mga biktima. Nasa kritikal na kondisyon ngayon si Casiño at ang suspek.

Inaalam pa ng awtoridad kung paano nagawang makapagpasok ng baril ng dayuhan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply