Carjacker umatake sa Pasay, biktima inilaglag sa Cavite

LAKING pasasalamat ng isang transport operator nang buhayin at ilalag sa Cavite ng mga carjacker na tumangay sa kanyang kotse sa Pasay City.

Nagtungo sa himpilan ng Carnaping section ng Pasay City Police ang biktima na kinilalang si Gilbert Gregorio, 34, residente ng Capiral St., Brgy. Duhat, Bucaue, Bulacan.

Batay sa pahayag ng biktima, dakong 9:30 kagabi (January 18) sasakay na siya ng kanyang kotseng kulay puting Toyota Hi-Ace na may plakang TQ-8263 na nakaparada sa harap ng Philippine National Bank (PNB) sa Macapagal Avenue, Pasay City nang tutukan siya ng baril ng dalawang lalaki.

Habang tinututukan ng baril, isa sa kasama ng suspek ang nagtali sa biktima ng nylon cord at inilipat sa likurang upuan at dumating pa ang dalawang armadong lalaki.

Sakay ng sasakyan, dinala umano siya sa Bacoor, Cavite at dakong 1:00 kaninang madaling araw nang ibaba siya sa isang madamong lugar.

Agad naman na nagtungo ang biktima sa Bacoor Police Sub Station upang ireport ang insidente at agad naman itong iniulat ni PO3 Gerome Rosales Ubaldo sa tanggapan ng SIDMS ng Pasay City Police.

Kasalukuyang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit ng Pasay City Police sa agarang ikadarakip ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply