Carjackers, umiskor sa Maynila

NAKAALARMA ngayon sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos muling umatake ang mga carjackers at tangayin ang magarang sasakyan ito kagabi sa Malate, Maynila.

Nabatid na dakong alas 8:00 kagabi nang maganap ang insidente sa lugar habang nakaparada ang Mitsubishi Montero (PKO 500) na pag-aari ni John Robert San Juan.

Ayon kay San Juan, hinihintay nila ng kanyang kasintahan ang kanilang kaibigan habang nakaparada sa isang open area sa Estrada street nang sapilitang sumakay sa kanilang sasakyan ang dalawang suspek na armado ng baril at patalim.

Nang makasakay ang mga suspek ay agad na tinalian ng wire ang kamay ni San Juan  habang ang kasintahan at kaibigang babae ay sintas ng sapatos naman ang pinanali sa kanila.

Ilang oras din, anilang, pinaikot-ikot ng mga suspek ang SUV sa may tanggapan ng Philippine Air Force sa Villamor kung saan tinangka pa umanong abusuhin ang dalawang babae.

Pagsapit sa Sucat Road ay saka lamang sila ibinaba ng mga suspek.

Nang makahanap ng tiyempo ay agad na humingi ng tulong ang mga biktima sa kinauukulan.

Agad ding ipinaalarma sa NBI ang ninakaw na SUV.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply