CASINO PAWNSHOP HINDI DAPAT PAYAGAN

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copy

NARITO muli ang isyu natin ukol sa binuksang bahay-sanlaan sa casino na sa tingin natin ay hindi angkop.

***

Wala na ba talagang balak ang Resorts World na magtira ng pera sa pamilya ng mga sugarol sa casino?

Humahanga tayo sa management ng RW dahil sa maayos nilang palakad sa kanilang pasilidad.

May sinehan, may mga hotel, shopping malls at maaayos na kainan.

Competitive na rin naman ang facilities ng RW sa mga sangay nila sa ibang bansa kaya nga proud tayo para sa ating bayan na makapagpasok ng ganito kalaking investor.

Ang tingin lang natin na wala sa tono ngayon ng kanilang negosyo ay ang pagbubukas ng mga pawnshop.

Tanggap naman natin ang kalakaran sa casino na iyong mga gumon sa sugal ay ginagawa ang lahat para makabawi sa kanilang pagkatalo.

Sukdulang ibenta na nga nila on the spot ang susi ng kanilang mga kotse, mga alahas at kung ano-ano pang valuable item sa kanilang katawan.

Malungkot mang tanggapin, iyong lady gamblers ay handa pang ibigay ang kanilang katawan para lang makapag-uwi ng pera kahit paano.

Ang pagkakaroon ng pawnshop sa casino ay isang bagay na hindi dapat payagan ng Pagcor kung may nalalabi pa tayong malasakit sa pamilya ng mga sugarol.

Ang pawnshop sa loob ng casino ay nagbibigay ng dahilan para sa mga gambling addict na lalo pang ipursigi ang kanilang bisyo hanggang sa matuyuan  na sila ng dugo.

Nananawagan tayo kay Pagcor Chairman Bong Naguiat na ipatigil ang operasyon ng mga bahay-sanlaan sa RW sa lalong madaling panahon.

Baka ganito na ang maging sistema sa lahat ng casino sa buong bansa kung papayagan ng Pagcor na magpatuloy ang pawnshop sa RW.

Umaasa tayong kikilos ang Catholic Bishops Conference of the Philippines para pigilan ang paglaganap ng mga sanglaan sa mga private casino operation dito sa ating bayan.

***

Hindi sana namamanipula ng mga survey firm ang utak ng mga botante.

Ang paulit-ulit na paglalabas ng mga survey ng SWS at Pulse Asia ay hindi sana isang paraan para makipag-bidding sa kanila ang mga kandidato sa paparating na eleksyon.

Kailangan pa ring magkaroon ng sariling pasya ang bayan hindi lang batay sa mga bayad na survey.

allanpunglo@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply