Catholic votes, minaliit ng solons

rep.-tanada

DAHIL sa kawalan ng pagtitiwala sa ‘catholic votes’ ay hindi nangangamba ang mga kongresista na makaka-apekto sa mga kandidato ang pagsuporta at pagtutol sa mga kontrobersyal na panukala gaya ng Reproductive Health at Anti-Dynasty bill.

Tahasang sinabi ni House Deputy Speaker Erin Tanada na kahit balikan ang mga nagdaang eleksyon ay walang naitalang solidong boto mula sa panig ng Katoliko.

“Again records would show so far wala talagang nakikitang Catholic votes so there’s always a first time, we wouldn’t know, I don’t want to speculate much on it but we’ll just leave it up to the people, again the survey would also show that there are more people who are in favor of RH,” ani Tanada.

Aniya, ang mataas na survey ng pangulo ang higit aniyang makatutulong sa mga kandidatong tumatakbo sa ilalim ng Liberal Party.

Ganito rin ang pananaw ni Isabela Rep. Rodolfo Albano matapos niyang banggitin na mismong ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang umamin na walang catholic votes.

“Inamin naman ng CBCP walang catholic votes di ba na-headline sa newspaper walang   catholic votes,” ayon kay Albano.

Ang pakiusap lamang ni House Minority Leader Danilo Suarez na dapat irespeto ng CBCP ang anumang maiinit na batas na denesisyunan na ng Supreme Court .

Binigyang diin pa ni Suarez na mahirap ikampanya ng simbahan na huwag iboto ang mga kandidatong humaharang sa Anti-Dynasty bill dahil karamihan aniya dito ay anti-RH.

Samantala, umapela naman si Marikina Rep. Miro Quimbo sa simbahan na mag-move on  at huwag idamay sa kampanya ang mga kandidatong tumutol sa mga panukalang batas na isinusulong ng simbahan.

Kung tutuusin, aniya, ay maraming isyu ang pinagkasunduan ng pamahalaan at ng simbahan kaysa  nagsalungatan.

“Doon sa Catholic vote matagal ng pinagdedebatihan iyan. Pero ako personally naniniwala ako meron eh it’s not as substantial as the population of Catholics pero meron ang pakiusap siguro namin is just like what the President is saying is sana we can move forward as far as this issue is concerned, mas maraming points of agreement nagkaroon ang simbahan at pamahalaan   kesa points of disagreement.  I hope  we can move forward,” giit ni Quimbo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply