Cavs luhod sa Warriors

cavs

KAHIT wala ang tatlong starters ng Golden State Warriors ay nagawa pa rin nilang kalampagin ang Cleveland Cavaliers kanina.

Nagrehistro si Klay Thompson ng career-high 32 points, pitong rebounds at dalawang assists upang payukuin ang Cavaliers, 108-95 at ilista ang 28-17 win-loss card ng Golden State.

”No matter who is out there, we’re still going to play Warriors basketball,” saad ni David Lee, na nag-ambag ng 20 points at 13 rebounds sa Warriors. ”We could have mailed it in on the last game of a road trip, but everybody stepped up with a bunch of guys out.”

Dahil sa injury, hindi naglaro sa Warriors sina guard Stephen Curry (ankle), center Andrew Bogut (ankle) at forward Harrison Barnes (knee) maging ang kanilang key reserve na si Carl Landry (shoulder) .

”That’s a big-time win,” masayang sabi ni Golden State coach Mark Jackson. ”That’s a statement game for us. I’m extremely proud of my guys. It would’ve been very easy to chalk one up (a loss) because we were short-handed, but I challenged them – and they stepped up.”

Si Jarrett Jack ang starting point guard ng Warriors, nakapagtala ito ng 26 points at 12 assists.

Samantala, matapos itarak ang career best average na 35.7 points sa tatlong panalo ng Cavs ay sumama bigla ang nilaro ni Eastern Conference All-Star team reserve Kyrie Irving.

Tumikada lang ng 14 points sa 5-of-17 shooting ang point guard ng Cavaliers na si Irving, hindi rin nakasama sa morning shootaround nila dahil masama ang pakiramdam.

”I just wasn’t there in terms of my mental focus,” wika ni Irving. ”That’s no excuse. I tried to play through it, but my normal energy wasn’t there. I’m just feeling like crap.”

Sina Dion Waiters at Tristan Thompson ang umariba ng puntos para sa Cavaliers matapos tumarak ng tig 18 puntos.

Sa ibang kaganapan, tinambakan ng Milwaukee Bucks ang Detroit Pistons, 117-90.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply