CBCP walang kinalaman sa petisyon sa SC vs RH law

cbcp

NILINAW ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na wala silang kinalaman sa mga petisyong inihain sa Korte Suprema na humihiling na ipatigil ang implementasyon ng Republic Act 10354 o mas kilala sa tawag na Reproductive Health (RH) law.

Ito’y kahit pa anak ni CBCP legal counsel Atty. Jo Aurea Imbong ang mag-asawang sina James at Lovely Ann Imbong na unang naghain ng petisyon laban sa RH law sa Mataas na Hukuman.

Ayon kay Fr. Melvin Castro, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life (ECFL), kahit sino naman ay maaaring maghain ng petisyon laban sa RH bill.

Ipinaliwanag pa niya na inihain rin ito ng mag-asawang Imbong, bilang isang pamilya at ang pagiging kaanak nito ng CBCP legal counsel ay ‘purely incidental’ lamang.

Sa kabila naman nito, nilinaw ni Castro na suportado nila ang aksiyon ng mag-asawang Imbong laban sa RH law.

“We are glad that the ordinary Catholic faithful are taking the initiative to further the discussion on the RH bill. Its enactment into law would not end our opposition to it,” aniya pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply