Cebu Gov. Garcia nagdaos ng Bagong Taon sa kanyang opisina

cebu-gov-garcia

MASAYANG sinalubong ni suspended Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang Bagong Taon sa kanyang opisina sa Kapitolyo ng lungsod.

Kasama ang kanyang pamilya at malalapit na kaibigan, dumalo ang mga ito sa isang misa at sama-samang nagsalo sa medya noche.

Sinabi ni Garcia na mananatili siya sa kanyang posisyon dahil sa bandang huli ay mananaig din ang katotohanan at hustisya.

Nakaantabay pa rin ang kampo ni Garcia sa inaasasang paglabas ng temporary restraining order (TRO) ng Court of Appeals na pipigil sa suspension na ipinalabas ng Malakanyang laban sa gobernador.

Kaugnay nito sinabi ni Cebu Acting Governor Agnes Magpale na pinagbigyan na lamang ang pananatili ni Garcia sa Kapitolyo sa panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay Magpale, hinayaan nila si Garcia na patuloy na suwayin ang kautusang bumaba ito sa puwesto para sa espiritu ng Kapaskunan at Bagong Taon.

Magugunitang sa kaniyang tanggapan sa Cebu nag-Pasko at nag Bagong Taon si Garcia kasama ang kaniyang pamilya.

Sinabi ni Garcia na nais na niyang matapos ang tensyon sa Kapitolyo matapos suspendihin ng Malakanyang ng anim (6) na buwan.

Gayunman, matigas pa rin si Garcia sa paninindigang hindi siya bababa sa puwesto.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply