Cebuana Lhuillier sa Dalandan, Valenzuela nilooban

NILOOBAN ng tinatayang apat na suspek na hinihinalang mga miyembro ng acetylene gang ang isang branch ng Cebuana Lhuillier sa kahabaan ng McArthur Highway sa Dalandanan, Valenzuela City.

Batay sa ulat sa radyo, nakapasok ang mga suspek sa loob ng pawshop matapos butasin ang pader sa likod ng establisimyento.

Inaalam pa ngayon ng pulisya sa lungsod kung may natangay ang mga suspek.

Re-review-hin din ng mga awtoridad ang closed-circuit television (CCTV) camera upang malaman kung nahagip nito ang mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply