Cellphone kinumpiska ng utol: Dalagita nag-suicide

dead (2)

NAGPATIWAKAL ang isang dalagita makaraang kumpiskahin ng kanyang kapatid ang kanyang cellphone sa Barangay Cabaroan, Magsingal, Ilocos Sur.

Kinilala ng PNP-Magsinga ang biktima na si Lilibeth Olivar, 16, estudyante sa Manzante High School, Magsingal, ng nasabing lugar.

Base sa pulisya, kinumpiska ng kapatid ni Lilibeth ang kanyang cellphone upang hindi makakontak sa nobyo nito. Nabatid na tutol ang kapatid ng biktima sa pakikipagrelasyon nito sa kanyang nobyo.

Dahil sa sobrang sama ng loob at deperesyon na hindi makausap ang nobyo, nagbigti si Lilibeth sa puno ng mangga sa likod ng kanilang bahay.

Natuklasan ng awtoridad ang sulat sa katawan ng biktima na nagsasabing kasalanan ng kanyang kapatid kung bakit siya nagpakamatay.

Hindi naman masasampahan ng kaso ang kapatid ng biktima dahil mismong si Lilibeth ang kumitil sa sarili niyang buhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply