Celtics dapa sa Knicks

garnett

NAWINDANG ang Boston Celtics nang malasap nito ang ikalimang sunod na kabiguan.

Bumira ng 28 puntos at siyam na rebounds si Carmelo Anthony upang paluhurin ng New York Knicks ang Celtics, 89-86 sa kanilang laban kanina.

Sa unang pagtutuos ng New York at Boston ay nagkainitan sina Anthony at Celtic star player Kevin Garnett.

Kaya naman sa tuwing hahawakan ni Anthony ang bola ay binu-boo siya ng mga fans at nagsisigawan ang mga ito kapag napa-foul ang ace player ng New York.

”No grudges between me and KG. Whatever happened, happened,” sabi ni Anthony. ”We spoke about it and it’s over.”

”He fell. I helped him up,” dagdag pa nito. ”I don’t hold anything against a guy like that.”

Naghahabol ang Celtics ng 10 puntos subalit naibaba ito sa dalawa, 84-86 may 2:58 minuto na lang sa fourth period ng magsimulang bumira si Rajon Rondo sa opensa at assists.

Tinala ni Rondo ang kanyang pang-apat na triple-double sa season matapos bumira ng 23 points, 11 assists at 10 rebounds.

May kartadang 26-14 ang New York habang 20-22 ang baraha ng Boston.

Sa ibang resulta ng laro sa NBA, tinalo ng Toronto Raptors ang Orlando Magic, 97-55 habang sinilat ng Phoenix Suns ang Los Angeles Clippers, 93-88.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply