CF card, modem contract nakuha ng Smartmatic

cf-card

ANG service provider na Smartmatic-TIM Corporation ang nakapagbulsa ng kontrata sa pagsusuplay ng compact flash (CF) cards, transmission modems, at magbibigay serbisyo para sa electronic transmission ng resulta ng halalan para sa nalalapit na May 2013 midterm elections.

Sa magkakahiwalay na Notice of Awards na nilagdaan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr. ang mga nasabing kontrata ay ini-award sa Smartmatic–TIM Corporation.

Aabot sa P45.2 milyon ang halaga ng kontrata para sa supply at delivery ng 82,200 units ng CF cards main, P154.5 milyon ang halaga ng kontrata naman para sa supply, delivery at configuration ng 15,000 unit ng transmission modems at P486.5 milyon naman ang para sa serbisyo sa electronic transmission ng resulta ng eleksyon.

Kinakailangan namang magbigay ng kumpanya ng limang porsyento ng kabuuang halaga ng kontrata para sa performance security at 30 porsyento namang surety bond bawat isang kontrata.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply