Chainsaw operator nabagsakan ng Talolot tree, todas

crime6

NAPISAK ang katawan ng isang chainsaw operator matapos madaganan ng punong kahoy na kanyang pinutol sa Davao del Sur nitong Linggo ng hapon (Enero 27).

Nakuha lamang ang katawan ng biktimang si Wilfredo Tiu, 55-anyos, nang pagputol-putulin sa pamamagitan ng chainsaw ang dumagan dito na isang malaking punongkahoy.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas 3 nitong Linggo ng hapon sa Sitio Kibalbal, Barangay Culaman, Malita, Davao del Sur.

Ayon sa imbestigasyon ng Malita PNP, bago ang insidente ay pinutol ni Tiu at iba pang chainsaw operator na sina Matheo Magoy at isang nagngangalang Chester ang isang mataas na Talotot tree.

Pero nang maputol na ang puno, tumakbo si Tiu para iwasan ang pagbagsak nito subalit minalas na bumagsak naman doon sa kanyang tinakbuhan ang kaputol ng Talotot tree.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply