CHASING DREAMS

PASAPORTE-BY-JR-LANGIT

PANGARAP na maging isang matagumpay na abogado, ang naging daan upang kilalanin ang isang Pinoy, bilang kauna-unahang Filipino lawyer sa Australia.

Sa minsang pagbisita ko sa Sydney, Australia ay nakilala ko ang itinuturing bilang kauna-unahang Filipino lawyer doon, si Atty. Jess Diaz.

Sa Pilipinas nagsimula ang pangarap ni Atty. Jess, na maging isang abogado. Sa katunayan, upang matustusan ang gastos ng kanyang pag-aaral ng abogasya ay kinailangan niyang magtrabaho bilang guro sa iba’t ibang unibersidad dito sa bansa.

Sa labis na rin niyang pagsisikap at pagtitiyaga, hindi nagtagal ay nakapagtapos ng kursong abogasya si Atty. Jess sa Ateneo De Manila University.

Sa kabila ng kasiyahang dulot ng pagiging isang ganap na abogado, isang malaking pagsubok ang kinailangan niyang harapin nang ideklara ang martial law sa ating bansa noong 1972. Dahil dito, napilitang iwanan ni Atty. Jess ang bansa, kabilang na ang kanyang career at maayos na buhay.

Nagtungo siya sa Australia, kung saan ay tila muli siyang nag-simula sa kanyang karera, sapagkat kinailangan niyang muling mag-aral upang kilalaning ganap na abogado roon.

Kasabay ng pag-aaral niyang muli ay ang pagtatrabaho niya bilang guro sa dalawang eskuwelahan sa mga subject na English, Economics, Commerce at Religion.

Unti-unti ay muling naabot ni Atty. Jess ang kanyang pangarap na maging isang abogado. Taong 1987 nang kilalanin siya bilang isang ganap na abogado sa Australia. “I was admitted as the first Filipino practitioner in Australia.”  Saad niya.

Sa puntong ito nagsimulang maranasan ni Atty. Jess ang pag-ani sa bunga ng lahat ng pinaghirapan at pinagtiisan niya para sa kanyang pangarap. Kinuha siya bilang Senior Legal Counsel ng isa sa pinakakilalang bangko sa  Aus-tralia – ang City Bank, kung saan kinikilala rin siya bilang isa sa mga pinakamataas na empleyadong Pinoy sa nasabing bangko.

Nakapagpatayo rin siya ng sarili niyang law firm, na tumutulong sa mga kababayan nating naroon at nangangailangan ng tulong sa aspetong legal. Bukod pa rito, isa siya sa mga nanguna sa pagbuo ng Australian Chapter ng Knights of Rizal, isang organisasyon ng mga Pinoy sa Australia.

Taong 1988, nang italaga si. Atty. Jess bilang Area Commander ng Knights of Rizal, hindi lamang sa Australia kundi pati na rin sa New Zealand at Oceana.

Tunay ngang malayo na ang narating ni Atty. Jess Diaz, pagdating sa karera ng tagumpay, nagsimula lang siya bilang isang Pilipinong nangangarap na maging isang abogado hanggang maging isa siya sa pinakamatatagumpay na Filipino sa Sydney, Australia.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan over-seas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply