Chief of Staff ni Enrile nagbitiw sa pwesto

juan-ponce-enrile-3

KINUMPIRMA ng tanggapan ni Senate President Juan Ponce Enrile na nagpasa ng Letter of Resignation si Atty. Gigi Reyes bilang Chief of Staff ng senador kaugnay sa kontrobersiyang pamumudmod ‘cash gift’ sa mga senador mula sa savings ng senado.

Sa kanyang privilege speech kahapon, kinuwestiyon ni Senador Alan Peter Cayetano ang pagpapatakbo ng opisina ng Senate President dahil ang ilan sa mga patakarang nasusunod ay ang desisyon ng Chief of Staff at hindi si Enrile.

Nabatid na hindi tinanggap ni Enrile ang resignation ni Reyes at nakahandang maglabas ng pahayag ang tanggapan ng senador ukol dito.

Matatandaang nag-ugat ang bangayan sa senado dahil sa umano’y hindi pantay-pantay na pamamahagi ni Senate President Enrile ng Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa mga senador.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply