Chilling effect ng Cybercrime Law ikinabahala

cybercrime-handcuff

NABABAHALA ang isang mahistrado ng Supreme Court sa chilling effect na maaaring idulot kapag ipinatupad ang Cybercrime Law.

Sa pagpapatuloy ng oral argument kanina sa SC, mismong si  Justice Roberto Abad ang nabahala matapos aminin mismo ni Solicitor General Francis Jardeleza na ang pag-like, pag-share o pag-retweet sa Facebook o Twitter ay maituturing na libelous.

Ipinunto naman ni Justice Jose Perez na maaaring lumabag sa double jeopardy principle ang online libel provision ng cybercrime law.

Ito ay dahil sa maaari namang maparusahan ang isang tao ng libel sa ilalim ng revised Penal Code at Cybercrime Law sa ilalim ng Section 7 nito.

Naniniwala si Perez na lalabag na ito sa double jeopardy principle

Bukod rito, aminado rin si Jardeleza na maaari naman kasing makasuhan ang isang tao ng online libel kahit na wala ang RA 10175.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply