Chinese national arestado sa pagdadala ng baril

tiklo

ARESTADO ang isang Chinese national nang mabuking ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang pagdadala nito ng baril at narekober rin sa kanyang pag-iingat ang isang sachet ng hinihinalang shabu habang papasok sa casino kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala ni S/Insp. Lerpon Platon, hepe ng Special Operations Unit (SOU) ng Pasay police, ang suspect na si Xian Qian Li, alyas Joey Li, 36, pansamantalang nanunuluyan sa Room 717 Maxim Hotel, New Port City Pasay makaraang mahulihan ito ng isang kalibre .9mm Glock at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Sa report na tinanggap ni Pasay police chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng SOU kaugnay sa palagiang pagdadala ng baril ni Li sa tuwing magtutungo sa casino.

Dakong alas-11:30 ng gabi kamakalawa nang abangan ng mga pulis ang suspect sa Valet Parking ng Resort World Casino sa Newport City. Pinahinto ng mga pulis ang kotseng minamaneho ni Li at nang kapkapan ay nakuha sa kanya ang baril at isang sachet ng hinihinalang shabu.

Sinabi ni Llorca na inihahanda na nila ang pagsasampa ng kasong paglabag sa R.A. 8294 o Illegal Possession of Firearm and Ammunition at paglabag sa Comelec gun ban kay Li habang hinihintay pa ang resulta ng crime laboratory kaugnay sa nakumpiskang isang sachet ng hinihinalang shabu upang masampahan din ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Dangerous Drug Act of 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply