Chiz inaming may mga tutol sa relasyon nila ni Heart

heart-and-chiz

INAMIN ni Senator Chiz Escudero na may mga tutol o hindi natutuwa sa relasyon nila ng Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Age gap ang dahilan ayon sa senador na hindi naman sinabi kung sinu-sino ang mga tutol sa kanilang pagmamahalan ng aktres.

Magkagayunman at kahit magkaiba ang mundong kinabibilangan ng dalawa ay kapwa kuntento sila sa kanilang relasyon bilang magkasintahan.

Sa hiwalay na interbyu, sinabi nina Heart at Chiz na wala na silang hahanapin pa sa smooth na takbo ng kanilang relasyon.

“Maayos, mapayapa, kuntento at wala na akong hahanapin pa,” ayon kay Chiz.

Samantala, nagkasundo sina Heart at Chiz na hindi ikakampanya ng aktres ang senador.

“Napag-usapan namin na sa darating na kampanya — maliban na lang kung magkatugmaan ang aming schedule, at imbitado rin siya sa lugar na pupuntahan ko — doon lamang kami magkakasama,” ayon kay Chiz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply