CHR: 13 na napatay sa Quezon shootout, ‘overkill’

chr

MALAKI ang hinala ng Commission on Human Rights (CHR) na ‘overkill’ ang pagkamatay ng 13 katao kabilang ang ilang pulis at sundalo sa shootout na naganap sa Atimonan, Quezon, nitong Linggo.

Ayon sa Commission on Human Rights (CHR), posibleng tiniyak na walang matitirang buhay sa sinasabing shootout sa naturang lalawigan.

Giit ni CHR Chair Etta Rosales, labis-labis ang puwersang ginamit ng mga sundalo at pulis sa pamamaril sa mga sinasabing miyembro ng gun for hire group.

Binigyang diin ni Rosales na hindi sapat na rason ang hindi pagtigil sa checkpoint ng sasakyan ng grupo para ratratin ng mga awtoridad.

Samantala, itinanggi naman na gun for hire ang mga napatay ng kanilang mga kaanak. Nabatid na political officer ng Partido Liberal at dating municipal administrator ang isa sa napatay doon.

Sa kabila nito, iginiit naman ng team leader ng pulisya sa madugong barilan sa Quezon na si Supt. Hansel Marantan na lehitimong
engkuwentro at hindi rubout ang nangyari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply