Nabubulok na medical equipment iimbestigahan

doh-enrique-ona

PAG-AARALAN at iimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang ulat mula sa Commission on Audit (COA) na may P43 milyon halaga ng mga medical equipment ang nasisira sa mga pampublikong ospital.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, hindi pa niya nababasa ang naturang COA report ngunit tiniyak na agad niya itong titingnan at pag-aaralan.

Inamin rin naman ni Ona na marami ngang medical equipment ang outdated na at nabubulok dahil sa kawalan ng maintenance.

“Ito minsan ang problema namin, minsan nao-order. Kalimitan ang ganoon, nasisiraan ng part bago hindi na makayanan yung replacement lalo ang mga equipment ay ilang taon na or out of model na,” ani Ona.

“Minsan may mga nabibili na equipment na after five years, hindi na modelo. Ni hindi ka na makabili ng isang part na importante doon. And before you know it, sayang na, hindi na nagagamit. Nangyayari talaga yan, titignan natin yan at titingnan natin kung magagamit pa.”

Batay sa COA report, lumalabas na nabubulok lang umano ang mga medical equipment dahil sa lakulangan ng maintenance at trained personnel na mangangasiwa sa mga gamit.

Sanhi nito, nasasayang lamang ang pera ng taumbayan dahil hindi naman napapakinabangan ang mga kagamitan sa mga ospital ng gobyerno.

Inirekomenda pa ng COA na kung hindi maaayos ang mga kagamitan ay dapat kasuhan ng DOH ang mga opisyal na sangkot sa kapabayaan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply