Coco ‘nagparamdam’ lang – Erich

erich-gonzales

SINABI ng Kapamilya star na si Erich Gonzales na nagparamdam lang sa kanya ang actor na si Coco Martin noong nagkasama sila sa indie film na “Noy”.

“Hindi ko naman masabing ligaw, kasi sasabihin kong, ‘A, ligaw,’ tapos siya naman hindi.”

“Siguro palipad-hangin. Hindi naman natuloy. Wala, wala namang ganun.”

Ayaw ding sabihin ng dalaga na binasted niya ang actor dahil hindi naman aniya dumating sa gaanong point.

***

Juan dela Cruz

Sina Erich at Coco ay magkatambal sa bagong teleserye na “Juan dela Cruz” sa ABS-CBN.

Nakatakda itong iere sa Pebrero (next week).

Magkagustuhan kaya ang dalawa habang tumatakbo ang naturang serye.

Abangan natin!

***

Businessman BF

Samantala, inamin naman ni Erich na magdadalawang taon na sila ng kanyang boyfriend na businessman .

Ang naturang guy ang nagbigay ng singsing noon kay Erich na hinulaang engage na ng marami.

Muling nilinaw ngayon ng dalaga na hindi iyon engagement ring kundi isang regalo lamang sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply