Code of conduct sa pinag-aagawang teritoryo sa WPS suportado ng DFA

SUPORTADO ng Deparment of Foreign Affairs (DFA) ang bansang Brunei sa isusulong nitong Code of conduct sa mga bansang nag-aagawan sa teritoryo sa West Philippine Sea.

Ang pagsuporta ay inihayag ni DFA spokesman Raul Hernandez kasunod ng pormal na pag-upo ng Sultanate of Brunei bilang chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon kay Hernandez, umaasa silang magtatagumpay ang Sultanate of Brunei sa pakikipag-usap nito sa China para sa pagbuo ng Code of conduct.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply