Comelec: Campaign color ng mga kandidato ire-regulate

comelec

TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na magiging mahigpit sila sa pag-monitor sa pangangampanya ng mga kandidato para sa May 13 midterm elections at maging ang mga campaign color ng mga kandidato ay ire-regulate din nila.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., imu-monitor nila ang mga TV personality na regular na nagsusuot ng campaign colors na identified sa isang kandidato.

Tatanungin aniya nila ang mga naturang personalidad kung binabayaran ba ang mga ito upang isuot ang mga naturang damit na pare-pareho ang kulay at kung sino ang nagbabayad sa kanila para gawin ito.

Paliwanag ng poll chief, ang halos araw-araw na pagsusuot ng damit na gamit ang campaign colors ng isang kandidato ay maihahalintulad na rin sa pagkakabit ng poster at isang paraan na rin aniya ng pangangampanya.

“We will ask them, are you being paid to wear that? Who is paying you? If you wear the same color almost every day, practically it’s like campaigning. It’s like you are putting up posters,” ani Brillantes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply