Comelec: FB, twitter ng mga kandidato ‘di kontrolado

fb-twit

HINDI makokontrol ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa May 13 midterm elections sakali mang gamitin ng mga ito sa pangangampanya ang kanilang mga blogs at posts sa mga social networking sites.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., walang kontrol ang poll body sa Facebook at Twitter dahil kahit sino naman ay maaaring magkaroon ng account dito ng libre.

Maging ang personal blog ay maaari rin, aniyang, gamitin sa pangangampanya ng mga kandidato, lalo na kung personal website ito at ginagamit araw-araw.

“For free, wala kasing  icha-charge. Hindi kagaya ‘yung meron kang poster or pamphlet, may gastos lahat ‘yan. Pag print ka alam mong mako-kontrol mo. Pero ito, paano mo mako-kontrol ito eh libre ito,” paliwanag ni Brillantes.

“If  it’s your personal website, using it daily, para ka lang kumakampanya at kumakamay sa taumbayan. Masama ba ‘yun? Hindi naman. Nagbibigay ka ng opinion o pinupuri mo araw-araw sarili mo, okay lang,” dagdag pa niya.

Sinabi pa ng poll chief na ang online campaigning lamang na sakop ng Comelec Resolution No. 9615 ay ang mga advertisements tulad ng pop-ups, rectangles, banners, buttons at skyscrapers.

Papayagan lamang itong malathala ng tatlong beses sa isang linggo sa panahon ng campaign period at gaano man ito katagal na ma-display sa loob ng 24-oras ay ikinukonsidera nang isang publikasyon.

Nabatid na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ire-regulate ng Comelec ang online campaigning.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply