Comelec may libreng political ads sa mga kandidato

comelec

MAY kaakibat nang libreng oras kada araw ang paglimita sa political advertisements ng mga kandidato sa radyo at telebisyon.

Ito ang ipinagmalaki ngayon ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kandidato na makapagkampanya para sa nalalapit na 2013 midterm elections.

Sinabi pa ni Jimenez na maliban sa programa ng Comelec na kanilang iparating sa publiko sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay maaari rin umano nilang bigyan ang ilang mga kandidato para sa kanilang kampanya.

Sa nasabing libreng airtime, aniya, sa radio at telebisyon ay hindi ito mabibilang sa minuto na airtime limit ng isang pulitiko.

Ilang media organizations naman ang umalma sa resolusyon kaugnay sa paglimita sa political ads sa mga kandidato na tatakbo sa halalan.

Gayunman, tiniyak naman ng ahensya na handa nilang pakinggan ang magiging apela ng grupo at ng media networks na tutol sa 120 minutong airtime limit sa telebisyon at 180 minuto naman sa mga himpilan ng radyo at maging sa “prior consent” at iba pang patakaran ng ahensya.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply