Comelec may paalala sa incumbent officials

brillantes

DAPAT alisin na ng mga incumbent official sa bansa, partikular na ang mga kandidato sa halalan sa Mayo 13, ang lahat ng kanilang mga pangalan, inisyal at larawan sa anumang government structure, signage at service vehicles bago pa man magsimula ang campaign period.

Mismong si Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes, Jr. ang nag-isyu ng paalala sa mga incumbent officials kasabay nang babalang ang sinumang susuway sa naturang panuntunan ay maaaring maharap sa kaukulang parusa.

Ipinaliwanag ni Brillantes na batay sa kanilang bagong panuntunang ipinatutupad, bago pa man sumapit ang campaign period ay kinakailangang alisin na ang pangalan, inisyal at larawan ng mga incumbent official sa anumang istrukturang panggobyerno, signage at mga sasakyan ng pamahalaan.

Ayon kay Brillantes, ang naturang probisyon ay dapat na sundin ng lahat ng incumbent officials kung ayaw ng mga ito na maharap sa election offense.

“Under our new rules, incumbent officials are required to REMOVE their names/images/initials appearing on gov structure, signage & vehicles,” tweet ni Brillantes. “This provision must be complied w/ by ALL incumbent officials BEFORE d start of d campaign period–otherwise liable for election offense.”

Nagbabala pa si Brillantes na ang pagkabigong sumunod sa naturang probisyon ay ipagpapalagay ng poll body na mismong ang incumbent official ang may kagagawan at nakagawa ng paglabag.

“Non-compliance w/ this take down provision, the incumbent official shall be presumed the doer and to have committed election offense,”  anang poll chief.

Ang campaign period para sa national candidates ay nakatakdang magsimula sa Pebrero 12 habang sa Marso 29 naman ang sa local candidates.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply