Comelec nag-donate ng P850K sa ‘Pablo victims’

comelec-chair-brillantes

NAG-DONATE ang Commission on Elections ng P850,000 sa mga biktima ng bagyong Pablo.

Sa Twitter account ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., ang nasabing halaga ay mula sa  pinagsama-samang doansyon ng mga Comelec official at ang pondo na hindi nagamit o ginastos ng komisyon nitong nakalipas na Pasko.

Mismong si Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman ang siyang tumanggap sa donasyon na ipapamahagi naman sa mga biktima ng bagyong Pablo partikular sa probinsya ng Davao.

“I am very proud of the selflessness and generosity of all our employees in these trying times. Maraming salamat po,” ayon pa kay Brillantes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply