Comelec nagpaalala sa gun ban

comelec-commissioner-jimenez

KASUNOD nang nalalapit na pagpapatupad ng Comelec gun ban para sa May 2013 midterm elections, pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang lahat ng gun owners sa bansa na simula sa Linggo, Enero 13 ay dapat nang iwanan sa kani-kanilang tahanan ang kanilang mga baril.

“Gun ban starts in seven days,” paalala pa ni Comelec spokesman James Arthur Jimenez, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.

Sa ilalim ng Comelec gun ban, lahat ng lisensiya at Permits to Carry Firearms Outside Residence (PTCFORs) ay suspendido.

Tanging ang mga miyembro lamang ng Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at National Bureau of Investigation, na naka-uniporme at naka-duty, ang papayagang magdala ng baril sa labas ng kanilang tahanan.

Ang mga bodyguard naman ay papayagang magdala ng baril kung may permiso mula sa Comelec.

Inaasahang magtatagal ang gun ban hanggang sa Hunyo 12, isang buwan matapos ang halalan sa Mayo 13.

Kasabay nito, inianunsiyo rin ni Jimenez na magsisimula na ang campaign period para sa mga kandidatong tumatakbo sa national post sa Pebrero 12.

Ang mga kumakandidato naman sa local posts ay magsisimulang mangampanya pagtuntong ng Marso 29.

Nagpaalala rin si Jimenez sa mga kandidato at kanilang supporters na lahat ng mga prohibitions ay epektibo na sa sandaling magsimula ang campaign period.

Ayon kay Jimenez, sa sandaling magsimula ang campaign period ay ituturing ng iligal ang pagkakaroon ng poster ng mga kandidato sa labas ng mga lugar na deklaradong common poster areas at restricted na rin maging ang mga television at radio advertisements.

Ang mga political ads ay hindi na rin umano ituturing na regular na patalastas o commercial lamang.

“Once campaign period starts… posters outside common poster areas will be illegal; TV/radio ads will be restricted,” tweet pa ni Jimenez.

“Their political dimension should inspire media to act in consonance with poll laws,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply