Comelec pabor sa pagpapalawig ng liquor ban

liquor-ban

BUKAS ang Commission on Elections (Comelec) sa panukala ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na palawigin ng hanggang 45-araw ang ipatutupad na liquor ban sa May 13 midterm elections.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., pinag-aaralan nila ang kahilingang mapalawig ang ban ngunit iginiit na malabong maipatupad ito ng hanggang 45 araw.

Ipinaliwanag ni Brillantes na kung susundin ang panukala ng MMDA ay malaki ang magiging epekto nito sa negosyo ng alcohol.

“Ipinaaral ko nga ‘yan kahapon. Initially, mukhang mahihirapan. Masyadong maaapektuhan ang mga business ng mga nagtitinda ng alcoholic drinks pagka tinuloy natin ‘yan so malaking epekto niyan sa business side kung 45 days na pipigilan mong magbenta ng alcoholic drinks, e baka magkaroon ng problema lang tayo,” ani Brillantes, sa panayam ng radio (dzMM).

Aniya pa, sa ilalim ng batas ay dalawang araw ang liquor ban ngunit maari naman aniya itong i-extend ng lima o 10-araw, o mas maigsi sa hiling ng MMDA na 45-araw.

“‘Yung two days, bisperas at saka araw ng eleksyon, ‘yan lang ang alam nating nasa batas… Whether we can expand, pwede naman hindi 45 days, pwede rin namang mas maigsi than 45 days pero mas mahaba kaysa sa two days. Itse-check po natin ‘yan ngayong en banc, nasa agenda po ‘yan,” aniya pa. “Marami naman kaming options e, hindi naman necessarily 45 days, pwedeng 10 days, pwedeng five days.”

Sa kabilang dako, sinabi ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), accredited citizen’s arm ng Comelec, na dapat ay sa Kongreso idulog ng MMDA ang kanilang panukalang palawigin ang liquor ban.

Ayon kay PPCRV Chairperson Ambassador Henrietta de Villa, ang pagpapatupad ng liquor ban isang araw bago ang halalan ay naayon sa nakasaad sa Omnibus election code at dahil sa isa aniya itong batas ay ang kongreso ang dapat na mag-amyenda rito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply