Comelec sa PNP: Gun ban paigtingin

gun-ban

NANAWAGAN ang Commission on Elections (Comelec) sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin pa ang pagpapatupad ng election Gun Ban.

Ang panawagan ay matapos ang ilang insidente ng pamamaril ang naiulat sa iba’t ibang parte ng bansa sa kabila ng ipinapatupad na election gun ban.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sarmiento, inamin niyang kulang pa ang ginagawang paghihigpit ng PNP kaya’t may mga ilang insidente pang nakakalusot.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Sarmiento na sa kabila ng mga naitatalang krimen ay may mabuting naidudulot din naman ang pagpapatupad ng gun ban.

Matatandaang sinimulang ipatupad ang election gun ban ng Comelec katuwang ang PNP noong Enero 13.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply