Comelec sa SC: Diskwalipikadong partylist group, desisyunan na

comelec

HINILING ng Commission on Elections (Comelec) sa Korte Suprema na desisyunan na ang petisyon ng mga nadiskwalipikang party-list groups upang hindi na makadagdag pa ang mga nasabing grupo sa kanilang iintindihin lalo na sa balota.

Ipinaliwanag ni Comelec Commissioner Rene Sarmiento na nagpadala na rin sila ng komunikasyon sa Korte Suprema para sa mahigpit na timeline na kinakaharap ngayon ng komisyon lalo na sa configuration ng mga makina at paglilimbag ng mga balotang gagamitin sa darating na halalan.

Matatandaan na una ng inaprubahan ng Comelec ang akreditasyon ng 84 party-list organizations habang 52 naman na nadiskwalipikang party-list groups ang nakakuha ng status quo ante orders mula sa SC.

Nitong Biyernes, una ng nagsagawa ng raffle ang Comelec para sa magiging pwesto ng mga party-list groups sa balota na 136 grupo ang nakalahok.

Gayunman, hindi pa ito na-validate sapagkat may 13 grupong nakasama sa raffle na hindi dapat.

Batay sa resolusyon ng Comelec en banc, ang mga bagong nag-aaplay na party-list ngunit nadiskwalipika ay dapat makakuha ng mandatory injunction at hindi lang basta status quo ante order.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply