Comm. Biazon, pinasisibak

rep-danilo-suarez

SIBAKIN sa pwesto si Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Panawagan ito ng minorya sa Kamara kay Pangulong Aquino dahil sa halos tatlong taong pagkabigo ni Biazon na maabot ang target collection nito.

Sa isang press conference,  iginiit ni House Minority Leader Danilo Suarez na  kung susundin aniya ang Attrition Law ay  matagal nang attritable o karapat-dapat masibak sa pwesto si Biazon.

Tinukoy pa ng kongresista na sa nakalipas na dalawang taon ay  nananatiling bigo ang BOC sa target nito na kung ang pagbabatayan ay ang itinatakda ng National Economic Development Authority o NEDA.

Bukod kay Biazon ay nais din ng oposisyon na busisiin na rin ng Malakanyang ang performance ng mga  district collectors ng BOC para matukoy kung sino sa mga ito ang attritable.

Banggit pa ng kongresista na noong 2011 ay nakakolekta lamang ang BOC ng P263.85 bilyon kumpara sa target na P320 bilyon at ng 2012 ay mahigit sa P60 bilyon ang kapos na koleksyon para sa target na P347.07 bilyon.

sinisisi ni Suarez ang talamak na smuggling sa kabiguan ng BOC na makuha ang target collectgion nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply