Confidentiality sa bidding ng Philippine Orthopedic Center, kinuwestiyon

philippine-orthopedic-center

KINUWESTIYON ng isang abogado ang pina-iiral na confidentiality sa bidding documents  para sa P5.6-Bilyon na Modernization of the Philippine Orthopedic Center o MPOC.

Sa liham kay Health Secretary Enrique Ona at Undersecretary Teodoro Herbosa na may petsang January 21, 2013, chairman ng MOPC Project, hiningi ni Atty. Ernesto Francisco ang mga bidding document para sa naturang proyekto.

“The public has the right to know and participate in the process of putting up a new orthopedic center and the other government hospitals which the DOH is planning to put up with the participation of the private sector,” paliwanag ng abogado.

Ayon sa abogado, karapatan ng publiko na malaman kung magiging saklaw pa rin sila ng medical care, services and facilities ng orthopedic center na ngayon ay libreng binibigay  sa mga mamamayan lalo na ang walang kakayanang magbayad.

Nais din ni Francisco na ilagay sa website ng DOH ang buong kopya ng Bidding Documents  na may kaugnayan sa MPOC at ibukas din sa publiko ang hard copies ng naturang dokumento.

Noong September 2012 ay inaprubahan ni President Benigno Simeon C. Aquino III ang  mga bagong 700-bed Philippine Orthopedic Center na itatayo malapit sa Philippine Heart Center at sa Philippine Lung Center.

Pitumpung porsiyento o 70%  ng mga kama ay ilalaan sa mga miyembro ng PhilHealth at mga mahihirap o indigents, habang ang natitirang porsiyento ay para sa mga pasyenteng may kakayanang magbayad.

Sa liham, inihayag ni Atty. Francisco ang pagkabahala sa provision in the invitation to qualify and to bid dahil ang bidding documents ay ipagkakaloob lamang sa prospective buyers sa sandaling lumagda sa Confidentiality Agreement at pagbabayad ng non-refundable fee na P250,000 na payable sa Department of Health.

“This twin-requirement, in effect, bars the public from having access to the bidding documents and knowing everything it needs to know and has the right to know about the said project,” paliwanag pa ni Atty. Francisco.

Kinuwestiyon din ng abogado kung bakit kailangan pa ang confidentiality agreement na ang sangkot ay ospital ng gobyerno. Kung ang proyekto, aniya, ay pribado, understandable naman ang pagiging confidential.

“Of equal importance is the question of why is there a need for a confidentiality agreement in a project involving the establishment of a government hospital,” ani Atty. Francisco.

Ngunit ang proyekto, aniyang, ito ay sa gobyerno na ang gagamitin ay pera ng bayan.

“But this project is a government project that will involve the expenditure of public funds and use of government resources and more importantly, of utmost concern to the public since this involves the rendering of a very essential service by the government to the public – the provision of medical care, services and facilities,” ayon sa abogado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply