Construction worker binoga, dedo

crime6

HINDI na umabot ng buhay sa pagamutan ang isang 34 anyos na construction worker, matapos malapitang barilin ng isang tambay sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Alexander Pastrana Y Carlos, may ka-live-in, ng 1320 Carlos P.Garcia St., Moriones, Tondo, habang patuloy naman ang pagtugis sa suspek na si Manuel Mahinay Jr., may asawa, tambay ng Road 10,  Moriones, Tondo, Manila.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Glenzor Vallejo kay P/Sr.Insp. Ismael dela Cruz, hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, dakong 10:30 ng gabi, nang maganap ang nasabing pamamaril sa biktima sa RJ Compound sa tabi ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.

Bago ang krimen, nitong nakaraang Oktubre, 2012 nagsanla umano ng DVD portable si Mahinay sa biktima sa halagang P1,200.00.

Makalipas umano ang ilang linggo, nagbalik si Mahinay upang kunin ng walang bayad ang kanyang DVD, dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Kamakalawa ng gabi, sumulpot si Mahinay para sabihing balewalain na nila ang nakaraan nilang pag-aaway, pero minabuti ni Aileen Villa, ka-live-in ng biktima, na iwasan na lamang nito ang suspek.

Sa puntong ito, pumasok sa loob ng bahay ang ginang at naiwan ang dalawa sa labas ng kanilang bahay, hanggang sa makarinig ng malakas na putok ng baril si misis, at ng kanyang labasin nakita nito na naliligo na sa sariling dugo ang kanyang kinakasama habang nakalugmok ito sa bangketa.

Humingi ng tulong si misis para maisugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital si Pastrana, pero idineklara na itong dead on arrival ni Dr. Aries Sijera, surgeon on duty, matapos makitaan ng tama ng bala sa ilong.

Ang bangkay ng biktima ay dinala sa Cruz Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya, habang patuloy ang pagtugis kay Mahinay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply