Construction worker sinaksak, tigbak

crime8

TODAS ang isang construction worker matapos itong pagsasaksakin ng isang dating barangay tanod sa San Agustin, Malabon City.

Patay na nang idating sa Pagamutan Bayan ng Malabon si Reynante Acosta y Hernandez, 47, may asawa, ng nasabing lungsod sanhi ng tatlong malalim na saksak sa harapan ng katawan.

Inatasan naman ni Sr/Supt. Ferdinand Ampil ang kanyang tauhan sa agarang ikadarakip sa suspek na si Jonathan Bacud y Lalima, 27,  dating tanod ng nasabing barangay.

Ayon sa ulat, dakong alas 8:30 ng umaga ng maganap ang krimen sa tapat ng bahay ni Rodolfo Acosta kapatid ng nasawi sa nasabing barangay.

Nabatid, bumisita lamang ang biktima sa kanyang kapatid at habang tinatawag nito ang natutulog niyang kuya biglang sumulpot ang suspek at sinita ang ang biktima kung bakit hinahanap ang isang Tyson Bacud.

Nairita ang biktima sa tinuran hanggang sa magkaroon ng pagtatalo na nauwi sa suntukan, hanggang sa biglang nagbunot ng patalim ang huli at sunod-sunod na inundayan ng saksak ang biktima na nagresulta ng kamatayan.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa insidente, habang isang manhunt operation ang inilatag ng pulisya laban sa salarin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply