Construction worker tigok sa live wire

bangkay

PATAY at nabiyak pa ang noo ng isang construction worker matapos makuryente sa live wire sa ginagawang gusali sa Tondo, Maynila, Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Tony Bernas, 35, laborer at residente ng Blumentritt Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay SPO1 Jonathan Bautista, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa construction site sa may Coral St. Tondo, Maynila.

Nabatid kay Vergel Lovachando, foreman binatak ng biktima ang tubo na dadalhin sa ikatlong palapag nang aksidenteng dumikit ang dulo nito sa live wire.

Isinugod pa sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktima ngunit hindi na umabot nang buhay.

Ayon pa kay Bautista, maglalagay sana ang biktima ng poste sa ikatlong palapag ng ginagawang gusali nang maaksidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply