Criminal case isasampa vs mga pulis sa Atimonan 13

atimona-pulis

PINAG-AARALAN na ng pamunuan ng Philippine National Police ang paghahain ng kasong kriminal sa lahat ng pulis na inaakusahang sangkot sa shootout sa Atimonan Quezon na ikinasawi ng 13 katao, kabilang ang 3 pulis, 2 sundalo at dalawang ISAFP assets.

Subalit ang tiyak ayon kay PNP Chief Director General Alan Purisima ay maghahain ang pambansang pulisya ng administrative case laban sa police officials ng Region 4-A na ipinag-utos kahapon na sibakin na sa kani-kanilang mga puwesto matapos ang Atimonan encounter at maging sa  nangyaring pagkamatay sa isang malapit na kaibigan ng napaslang na si ViC Siman sa Batangas na inuugnay din sa nasabing encounter.

Mahaharap sa kasong  grave misconduct o gross neglect of duty ang may 25 pulis na nadawit sa nangyaring operation partikular na ang police officers at mga tauhan na direktang nagsagawa ng checkpoint operations sa Atimonan.

Nabatid sa isinagawang fact finding investigation ng PNP na may mga bagay na dapat sinunod ang mga pulis batay sa police operational procedure na hindi nila ginawa bukod pa sa pagbusisi kung may sinunod na alituntunin hinggil sa rule pof engagement.

Una rito ay kakailanganin munang pag-aralan ng Directorate for Investigation and Detection Management (DIDM)  ang pre-charge evaluation bago irekomendsa sa chief PNP kung dapat bang isailalim sa pagdinig ang mga inaakusahan.

Ayon sa heneral, magiging patas ang preliminary investigation kung bibigyan ng pagkakataon ang mga pulis na magpaliwanag ng kanilang panig at ipresinta ang kanilang mga ebidensiya at saka siya magbababa ng desisyon hinggil dito.

Magugunitang iniutos ni Pangulong Noynoy Aquino sa DILG ang pagsibak kina Calabarzon Police Regional Director C/Supt. James Melad at iba pang mga opisyal dahil sa kawalan na ng kumpiyansa rito matapos ang serye ng mga insidente ng pumalyang police operations sa kanyang nasasakupan at sa hindi nila pakikipagtulungan sa isigawang imbestigasyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply