Cristine Reyes focus muna sa career

cristine-reyes-front

ANG career muna ang pagtutuunan ngayon ng pansin ni Cristine Reyes.

Ayon sa Kapamilya actress, iiwasan muna niya ang anumang destructions.

“Focus muna tayo sa work, focus muna tayo sa life,” wika ng aktres.

Nilinaw rin ni Cristine na kaibigan lang niya ang dalawang aktor na nali-link ngayon sa kanya na sina Dennis Trillo at Derek Ramsay.

Matapos kasi ang kumpirmasyon na break na sila ng kanyang dating boyfriend na si Rayver Cruz, ay muling naiugnay ang aktres kay Dennis na dati rin niyang BF.

Sa mga lumabas na chicka, nakitang nag-date sina Cristine at Dennis sa Cebu.

Ngunit nilinaw ng aktres na nagkita lamang sila doon ng Kapuso actor at iginiit na kasama nila ang kani-kanilang set of friends.

Itinanggi rin ni Cristine ang isyu sa kanila ng Kapatid actor na si Derek Ramsay.

Ani Cristine, nagsimula ang pagkakaibigan nila ni Derek sa hit movie na No Other Woman.

“Paulit-ulit kong sasabihin na nagha-hang out kami sa house nila nung sila pa (ni Angelica Panganiban), kasama ko si Rayver no’n.”

Maituturing aniyang trusted friend si Derek na nauugnay rin sa Kapatid actress na si Nadine Samonte.

Balita na nahuli raw naghahalikan sina Nadine at Derek sa Iloilo.

True kaya ito? Kung true parang kinain ni Derek ang kanyang sinabi noon na mas pipillin niyang makipagrelasyon sa isang hindi taga-showbiz matapos ang break nila ni Angelica Panganiban.

Haha!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply