CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ng 2013

civil-service-commission

PATULOY na tumatanggap ng aplikasyon ang Civil Service Commission (CSC) Regional Office 3 para sa unang Career Service Professional at Subprofessional Paper and Pencil Tests ng 2013 na idaraos sa ika-14 ng Abril.

Ayon kay CSC Central Luzon information officer Diana Henson, ang mga pagsusulit ay bukas sa lahat ng Pilipino edad 18 pataas na may good moral character, hindi nahatulan ng “guilty” sa kahit anong kaso o di kaya ay natanggal sa government service dahil sa imoral na gawain at hindi kumuha ng kahalintulad na lebel ng career service test sa loob ng tatlong buwan.

Ang mga pagsusulit ay binubuo ng mga sumusunod na paksa: A) Para sa Professional- (In English and Filipino) – vocabulary, grammar and correct usage, paragraph organization, reading comprehension, analogy, logic at numerical reasoning B) Para sa Subprofessional (In English and Filipino)- vocabulary, grammar and correct usage, paragraph organization, reading comprehension, spelling, clerical operations at numerical reasoning.

May General Information test din para sa Professional at Subprofessional na sasaklaw sa a) Philippine Constitution, b) The Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (R.A.6713), c) Peace and Human Rights Issues and Concepts at d) Environment Management and Protection.

Sabay-sabay na isasagawa ang mga eksaminasyon sa 30 lugar sa buong kapuluan kabilang na ang mga lungsod ng San Fernando sa Pampanga, Cabanatuan sa Nueva Ecija at Malolos sa Bulacan.

Ang mga aplikante ay dapat makakuha ng gradong hindi bababa sa 80 porsyento upang makapasa at magawaran ng “eligibility” na siyang magbibigay ng pribelehiyo sa isang indibiduwal na makapagtrabaho sa gobyerno.

Masaring makakuha ng kopya ng listahan ng mga kinakailangan at form ng aplikasyo sa opisyal na website ng komisyon na www.csc.gov.ph .

Para sa mga katanungan, maaaring tawagan ang tanggapan ng CSC sa Pampanga sa mga numerong (045) 455-3241, 455-3242, 455-3244 at 455-3245 o di kaya ay bisitahin ang pinakamalapit na tanggapan ng CSC sa inyong lugar.

Ang huling araw ng pagsumite ng mga aplikasyon ay sa ika-28 ng Pebrero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply