CYBER LIBEL LABANAN, BABUYAN SA RIZAL AT DROGA SA CAVITE

benny antiporda

PANGUNAHING interes ng mga mamamahayag sa Anti-Cybercrime Law ang pagkakaroon nito ng probisyon sa libelo.

Sa kasong libelo na kung tawagin ay “cyber libel” sa nasabing batas, hindi lang ang mga naglalabas ng maaaring “libelous” na pahayag ang makakasuhan hanggang sa makulong.

Pati ang mga nag-’like o nag-share o nag-comment kung sa Facebook at nag-’follow’ o nagbahagi kung sa Twitter.

Eh meron pang ibang social networking sites na ginagamit sa paghahayag ng mga nalalaman sa maraming bagay, kabilang na ang mga krimen, droga at korapsyon, saloobin o paniniwala, pagpuna sa pamahalaan at mga opisyal nito.

MILYONES ANG APEKTADO

Marami ang apektado sa cyber libel na nakabase sa internet.

Ang totoo, milyones, mga Bro.

Libo-libo ang mga mamamahayag sa diyaryo, TV, radyo at milyones ang sumusubaybay at nakikipag-ugnayan sa kanila.

Milyones naman ang mga kabataan na gumagamit ng internet sa kanilang mga paghahayag ng kung ano-anong bagay.

Hindi lamang hanggang sa kanilang school organ sila naghahayag at nagba-balita kundi sa internet.

Sa bilang lang ng mga ito na gumagamit sa internet, kitang-kita kung gaano kahalaga ang usaping cyber libel.

MASAMANG BALITA

Diyan sa masasamang balita magkakaroon ng mga kasong cyber libel.

‘Yun bang === masama para sa mga may ginagawang milagro o itinatago na opisyal ng pamahalaan o pribadong indibidwal.

Ang cyber libel ang pangkadena o pamposas sa ating mga daliri upang hindi tayo makatipa o makapag-video at makapaglabas ng masasama at iligal na gawain ng mga ito sa internet.

Hindi lang nila tayo iha-harass, ipakukulong pa tayo.

Ang lalakas ng loob ng mga ito na gumawa ng mga kuwestiyunableng bagay, sila pa ang may lakas ng loob na kadenahan at ipakulong tayo hanggang sa masira hindi lang ang ating propesyon kundi ang ating buhay.

MGA TAONG PAMAHALAAN

Karaniwang ang tumitira sa atin sa libelo, kasama ang cyber libel, ay ang mga taong pamahalaan.

Kung hindi tayo pinapatay o ipinapapatay, sa mga kasong libelo tayo binubulag, pinipilay, pinakukulong at inaalisan ng ikinabubuhay.

CYBER LIBEL LABANAN

Kaya, mga Bro, dapat nating labanan nang nagkakaisa ang cyber libel.

Hindi sapat ang puwersa ng mga abogado upang labanan ang mga nasa likod ng cyber libel sa Supreme Court.

Kailangan ng mga abogado ang lakas ng mga organisasyon na magtutulad sa pamahalaan na baklasin ang cyber libel sa Anti-Cybercrime Law.

Hindi lamang sa mga abogado nakikinig ang mga kinauukulan kundi sa malakas at nagkakaisang boses ng sambayanan.

BABUYAN SA GITNA NG BAYAN

Gud am, Sir Benny. Paki- kalampag naman ang pamunuan ng Health Department ng San Mateo, Rizal. Kasi ‘yung babuyan sa gitnang bayan ay walang oras na ‘di mabaho.

Kawawa kaming lahat dito, lalo na ang mga bata.

MAG-ASAWANG PUSHER

Baka po pwedeng mag- imbestiga ang PDEA sa Kalye Bigte sa Tanza, Cavite. ‘Yung mag-asawang alyas Ruel at Mildred at isang alyas Junior Roglan ang mga nagbebenta ng shabu. Ilang beses na silang nahuli pero may backer at nakalalaya. Salamat po. 0927217….

UNDERPAID NA SEKYU

Good eve, Sir Benny. Tanong ko lang sa Department of Labor: tama ba ang suwelduhan sa aming mga security guard dito sa Aklan na P3,000 to P3,500 a month lang? Wala pang SSS, Philhealth at PagIbig? Kahit provincial rate lang sana ang sundin ng mga agency rito okey lang. Huwag niyong i-publish ang number ko. 0908727….

‘DI PUMAPASOK LOG-IN LANG

Sa Tabon-Tabon, Leyte, may municipal contractual employee na laging wala sa kanyang opisina. Nagla-log-in lang ngunit kumpleto ang sahod. Mabuti naman at ‘di siya sinisita ng municipal mayor. Hanep ang buhay, kaban ng bayan nilulustay. lang. 0909633….

ROSARYO NI PACQUIAO

Tama si Mommy D., nagsabing huwag iwanan ang holy rosary at sign of the cross ni Manny kung lalaban pa siya sa boxing. Ang pagpalit ng relihiyon ni Manny ay hindi niya rin nais. 0919420….

PASTOR MANNY TALO NA

Kaya laging talo si Paquiao dahil sa pagpa-pastor pastoran niya. Kung magpapastor siya, tumigil na siya sa pagbo-boxing. Kung hindi, magretiro na lang siya. At tsaka magpagupit siya at mag-alis ng balbas. 0918358….

CORRUPTION AT BAGYONG PABLO

Benny, punahin mo nga ang DENR-R-11. Andito sila ngayon sa Central Office, Quezon City at floating dahil sa illegal logging na sanhi ng kalamidad na dala ng bagyong Pablo. Maraming namatay at sila ang dahilan. Dapat pagsisibakin ang mga hayop na ito na kumbidado pa sa birthday ni Secretary. Marami pa akong isusumbong sa iyo at pag may time ka, makikipagkita ako sa iyo. Thanks. 0906201….

TULAY DI GINAGAWA

Sir, gusto lang naming ipaalam sa kinauukulan kung paano kami apektado ng hindi nagagawang tulay rito sa San Pedro, Laguna. Nakatiwangwang lang po at medyo matagal-tagal na rin. Sino ba ang dapat managot ngayong malapit na naman ang halalan? Concerned citizen. 0942467….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply