Cybercrime law pinagdebatehan sa SC

antonio-carpio-cyber-law

AWTOMATIKONG mababalewala ang online libel provision ng Cybercrime law kung maidedeklarang unconstitutional ang libel provision ng revised Penal Code of the Philippines.

Ito ang lumutang sa ginanap na oral argument kanina sa Korte Suprema kaugnay sa isyu ng Cybercrime Law.

Sa tanong ni Justice Antonio Carpio sa petitioner na si Atty Harry Roque kung ano ang magiging epekto sakaling madeklarang unconstitutional ang article 354 ng RPC ay sinabi ni Roque na awtomatiko na ring magiging unconstitutional ang online libel sapagkat doon naman ito ibinatay.

Kasabay nito, pinayuhan ni Carpio ang Commission on Human Rights na tawagin ang pansin ng Kongreso para amyendahan ang probisyon ng RPC patungkol sa libel.

Ilan naman sa mga mahistrado ay naniniwala na karapatan ng gobyerno na magpataw ng libel, gaya nina Justice Roberto Abad at Chief Justice Lourdes Sereno kung saan tinukoy rin nito ang patungkol sa police power ng pamahalaan.

Gayunman iginiit ni Roque na hindi na makatwiran kung ang police power na ito ay sumasagka na freedom of expression.

Binigyang diin din nito na dapat maging mapagmatyag ang lahat sa mga batas na magbabawal sa freedom of expression at dapat itong ideklarang unconstitutional.

Sa panig naman ni Justice Marvic Leonen ay ginamit nitong halimbawa ang kaso ng law student na si Chris lalo na nakilala dahil sa cyberbullying.

Iginiit din ni CJ Sereno ang kahalagahan ng balanse sa freedom of expression at pagprotekta sa privacy.

Unang sumalang para maghain ng argumento si Sen. Teofisto Guingona III kung saan tinawag nitong cyber dracula ang cybercrime law na naglilimita umano at umaatake sa maraming karapatan ng mga Filipino gaya ng freedom of expression.

Sinundan naman ito ni Atty. Harry Roque, kung saan sumentro ang argumento nito sa isyu ng online libel at cybersex.

Sa kanyang pagharap sa mga mahistrado ng KS, iginiit ni Roque na dapat nang alisin ang online libel provision dahil sa pagsagka nito sa karapatan ng isang indibidwal sa free expression.

Bukod rito, masyado rin aniyang malawak at hindi malinaw ang depinisyon ng libel sa cybercrime law.

Gaya na lamang aniya halimbawa sa facebook at twitter kung maglike o retweet ang isang indibidwal sa isang libelous statement ay liable na din ba ito libel.

O di kaya naman sa isang blog, tapos may nag-comment dito na maituturing na libelous ay madadamay na rito ang blogger.

Batay kasi aniya sa nakasaad sa probisyon ng nasabing batas ay hindi lamang ang author kundi ang pagpakalat rin ng libelous article ay maaari itong makasuhan ng libel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply