DA REGION-8 BRINASO NG ‘BALAY GROUP’ NI PNOY

burdado- jun briones

UMANGAL ang ilang contractor sa Region 8 dahil sa ginagawang pambabraso ng ilang nagpapakilalang taga “Balay Group” ng Liberal Party ni PNoy.

Sa sumbong, milyones ang halaga ng mga proyekto sa nasabing rehiyon mula sa tanggapan ng Department of Agriculture ang pilit umanong binabraso para makuha ng grupo na ang namumuno ay isang Mr. Secretario.

Noong Disyembre, isang bidding ang naganap para sa mahigit P5 milyong proyekto sa Samar area ang umano’y “niluto” upang mapaboran ang kompanya ni Mr. Secretario, aka Mr. Balay group. Op kurs, parekoy, swak na swak sa kanilang timba ang proyektong “solar dryers.”

Ang nakapagtataka, sa kahalintulad na proyektong isinailalim din sa bidding para naman sa Leyte area, matapos mapagwagian ng BYA Const. ang mahigit P5 milyong proyekto ay hindi nito nakuha.

Alam mo ba, DA Sec. Proceso Alcala, kung kanino ibinigay ang “award”? Dito pa rin sa construction company ni Mr. Balay group!

Take note, Sec. Alcala, na nagiging sunud-sunuran umano si Regional Executive Director (RED-8) Antonio Gerundio at BAC Chairperson Dr. Jenny Lyn Almeria dahil sa takot na ipasibak sila kung hindi hihimod sa wetpu ni Mr. Secretario!

Ang masakit, kinikikilan nitong hinayupak na Secretario ng 10% ang nanalong bidder kung gusto na tuluyang mapasakanila ang nasabing proyekto.

Ang dapat mong silipin dito, Sec. Alcala, ay kung bakit doon sa kompanya ng “Balay group” ibinigay ang award samantalang hindi naman sila ang nanalo sa bidding!

Alamin mo na rin kung bakit nangangatog ang tumbong nina Gerundio at BAC Almeria dahil lamang sa magic word na “Balay group.”

Alam ko, Sec. Alcala, na yakang-yaka mong busisiin ang katarantaduhang ito . . . ‘yan ay kung may yagbols ka!

Siyanga pala, parekoy, para sa kaalaman ng pipol op da Pilipins, ang upuan ni PNoy ay napaulat na mahigpit na kinokontrol ng dalawang grupo.

Ang Samar group nina Executive Secretary Jojo Ochoa at blessed sisters at ang ikalawa ay ang Balay group na minamaniobra naman ni DILG Sec. at 2016 Presidential aspirant Mar. Roxas.

Tungkol nga pala rito sa problema, tinanong ko si DA Region-8 Information Officer Francis Rosaroso, at ang sagot ay “we are not aware of it!” Alam ko po na “yu ar nat awer op et” dahil pampapogi lang ang alam mo! Bwisit!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply