Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo sisimulan bukas

DAGDAG-BAWAS sa presyo ng petrolyo ang isasagawa bukas ng mga kompanya ng langis.

Simula bukas ng alas-6:00 ng umaga, magtatapyas ang Petron at Seaoil ng 15 sentimo sa kada litro ng diesel at kerosene, habang itataas naman sa 15 sentimo  ang premium at unleaded gasoline.

Magpapatupad din ng 15 sentimo rollback sa diesel ang Phoenix Petroleum kasunod na rin ng paggalaw sa presyuhan ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply