Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo ipinatupad ngayon

petrol-rollback

IPINATUPAD ng ilang oil companies ang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo ngayong araw.

Kaninang alas 6:00 ng umaga, nagbawas ng presyo ang Petron, Seaoil at Shell ng P0.15 sa kada litro ng kanilang diesel at kerosene, pero tumaas ng P0.15 ang kanilang premium at unleaded gasoline.

Nagpatupad din ng dagdag na P0.15 rollback sa diesel at P0.15 sa premium gasoline ang Phoenix Petroleum.

Kaugnay nito, wala namang naging paggalaw sa regular gasoline.

Ipinaliwanag ng oil companies na ang oil price hike at rollback, ay batay na rin sa paggalaw sa presyuhan ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply