Dagdag-sahod sa Region 4-B, aprubado na ng wage board

wage

MAGANDANG balita para sa mga manggagawa sa Region 4-B (MIMAROPA) dahil matatanggap na nila ang karagdagang sahod sa katapusan ng Enero, 2013.

Batay sa Wage Order Number 6,  inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang P5 hanggang P66 ang matatanggap na dagdag ng mga minimum wage earners sa Occidental at Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan.

Ang mga non-agricultural workers ay makakatanggap ng basic pay na P255, habang ang mga agricultural workers ay P215.

Para naman sa mga nasa first class municipalities ang non-agricultural workers ay may basic pay na P260 habang ang agricultural workers ay P215 habang para sa mga nasa highly urbanized cities, ang non-agricultural workers ay may basic pay na P275 habang ang agricultural workers ay may P225.

Hindi naman kasama sa wage hike ang mga domestic helpers, family drivers at Barangay Micro Business Enterprise workers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply